Monday, May 7, 2018

Century egg

 Pidan o Century Egg, thousand years eggs ay kilalang kilala sa bansa ng mga intsik. Noong panahong ng Ming Dynasty.

C360_2018-05-05-23-32-00-450.jpg

Paraan ng paggawa ng Pidan:

a. itlog ng itik

b. malaking balde

k. tubig

d. solusyon ng asin (sodium chloride), sodium hydroxide, Ferric Oxide, Copper Sulfate, Lead Oxide, Tannin

Ang paghahalo ng mga solusyon ay nababatay sa bigat ng mga itlog.
Porsyento (%)

Tubig 100

Asin 8

Sodium Hydroxide (NaOH) 4.2

Ferric Oxide (Fe2O3) 0.5

Copper Sulfate (CuSO4) 0.05

Lead Oxide (Pb) 0.03

Tannin 0.05

Black tea 1.5-2.0

Paraan ng Pagsasagawa nito:

1. Piliin ang may magaganda at makakapal na balat na itlog ng itik.

2. Tunawin ang asin (Sodium Chloride) sa tubig.

3. Idagdag ang Sodium Hydroxide, Ferric Oxide, Copper Sulfate, Lead Oxide at Tannin sa solusyon.

4. Haluin ng maigi.

5. Ilubog ang mga itlog sa solusyon sa loob ng apat na linggo. (4weeks)

6. Ang solusyon ay dapat na panatilihin sa silid na ang temperatura ay may 28C. Kung walang silid na may ganitong temperatura maaaring patagalin ang pagbabad ng itlog ng 15 araw kung mainit ang panahon at 28 araw kung tag-lamig naman.

NOTE:
Ang century egg ay paboritong pagkain sa nga Chinese restaurant at karaniwang sinasamahan ng atsara. Masarap din itong lagyan ng oyster sauce malinamnam. Hinahalo din ito sa congee soup.

No comments:

Post a Comment